Yul finds time for acting

    100
    Yul Servo
    Yul Servo

    Actor-politician Yul Servo cannot fully turn his back on acting.

    The Manila congressman and award-winning actor said at the press con of his latest project, HBO’s “Food Lore: Island of Dreams,” that he misses making films, although he only chooses the projects he commits to.

    “Nakaka-miss gumawa ng pelikula, pero hindi ako laging gumagawa, pili lang,” he revealed, “Swerte ako in-adopt ako ni Miss June Rufino, sa buong Mario Brothers (how he calls the stable of talents of his late manager and discoverer, director Mario O’ Hara) ako lang, at pagkakuha naman sa akin ni Tita June, sunud-sunod naman ang project na binibigay niya sa akin at magagandang project.

    He is in the international project “Food Lore” from HBO that presents eight different stories anchored on Asian cuisine. He plays Noel, a simple family man married to Angeli Bayani, who leaves home to provide a better life for her family. Ina Feleo is cast as Angeli’s sister.

    It is directed by Erik Matti and aired on November 3 on HBO.

    “Yung character ko as Noel, simple lang gusto nya. Kasama pamilya sa hirap at ginhawa.

    Ok lang mangisda at mag-alaga ng baboy. Ang setting ay sa Negros,” he related.

    Acting is his passion, said Yul, who has been in show business for over two decades.

    However, just like any craft, it needs to be constantly honed and developed.

    “Minsan kinakalawang, parang lapis ang pag-aartista. Kinakailangan tinatasahan ang craft mo bilang artista. Dumarating din na pumapalpak ako kasi hindi naman ako perpektong artista, pero kadalasan, maraming take one,” he said.

    Whenever he feels like he needs some sharpening, he heads to the theater – but not to watch and get inspired. Yul himself immerses himself on stage to test his mettle alongside some of the best performers in the country.

    “’Pag pumupurol na ang lapis ko, ang ginagawa namin ni Direk Mario, pupunta ako sa CCP, dun ako naghahasa ng craft ko. Stage play. Lagi akong kay Direk Chris Millado,” he revealed.

    “’Pag passion mo, nabibigyan mo siya ng oras. Lalo na kung kabisado mo na ang mga director mo, mga ka trabaho mo. Sa Tanghalang Pilipino ang gagaling ng artista dun. Kasi mas maganda mga katrabaho mo magaling, nakakakuha ka rin sa kanila ng points at technique at nagiging mabilis ang trabaho mo. …‘Pag magaling ang kasama mo, siguradong gagaling ka rin. Pag hindi magaling, mag aadjust ka naman. Bilang isang artista, hatakin mo isang artista hindi magaling or magbigay ka para ma guide siya. Kasi ikaw rin ang mag su-suffer, ‘yung character mo rin. Minsan may mga artistang ayaw magpaturo. Pero kokonti lang naman. Minsan pag may sinabi akong technique or advice nakukuha rin naman nila.

    “Kasi ang pag-aartista, continuous learning. Parang nag-aaral ka rin. Ako maski matanda na ako, naka dalawang dekada na ako sa industriya, marami pa rin ako natututunan sa mga kapwa kong artista. Maski sa mga batang artista. Actually maraming magagaling na bago lang. Pero may mga idol akong magagaling talaga, Baron Geisler, Sid Lucero, Coco Martin. Hindi naman ako nalalayo sa edad sa kanila, sila ‘yung magagaling at may natututunan ka sa kanila. Tsaka hindi sila madadamot.”

    As long as there are offers, Yul will continue to answer the call of the klieg lights. It is something he will continue doing, even without pay.

    “Basta kung may dumating na bagay sa akin, gagawin ko, lalo na ‘pag sinabi sa akin ni Tita June kasi si Tita June, alaga rin si Direk Mario, so parang Direk Mario rin sya,” he explained.

    “Minsan may trabahong maganda pero walang masyadong budget, tinatanggap din natin,” he continued. “Maski walang budget pero maganda, makakatulong sa akin bilang artista rin ‘yun kasi ‘yun naman passion ko – umarte sa harapan ng camera. Minsan kasi sa camera, dun nagiging makapal ang mukha ko. Dito na train ako kung paano makisalamuha sa tao, makipag-usap. Naka 12 years na rin ako [sa public service]. Dati pag nagsalita ako, maigsi lang, pero ngayon nahasa na ako, mahaba-haba na ang sagot ko. Natuto ako sa constituents ko.

    “Ang acting, passion sa akin ‘yan. Maswerte naman ako, nanalo ako bilang congressman, kaya nakakapag serbisyo ako sa distrito namin, at the same time nakaka-act din ako paminsan-minsan.

    “Nasabi ko nga sa press con ng ‘Food Lore’ nung nakaraan na maski walang bayad, tatanggapin ko ‘to kasi passion ko ang acting tapos HBO project pa. Hindi na pera ang pinag-uusapan. Importante pa rin ang pera pero pambihira kasi mapili ka ng director sa project na ito.”