‘Hindi natin dapat iasa sa iisang tao o grupo o politko ang pagbabago kundi TAYO mismo ang
magbabago nito. — Iza Calzado’
Iza Calzado is a highly respected actress in the Philippine media industry, admired for her professionalism and stellar body of work. She brings positive energy to every workplace and community she’s part of, without controversy.

As the president of the League of Filipino Actors (AKTOR), Iza has championed the welfare of actors and led initiatives focused on education, relief and rehabilitation during calamities and the pandemic. She has emphasized issues such as enhancing the craft, financial literacy, business initiatives and mental health awareness.
An A-list actress with numerous local acting awards, Iza has also served as a juror for various competitions and grant-giving bodies both locally and internationally, including prestigious events like the Hanoi International Film Festival and the Asian Academy Creative Awards.
Amid the country’s ongoing corruption scandal, Iza recently shared a heartfelt message on social media, expressing her deep concern for the nation:
“Tatlong linggo na akong wala sa Pilipinas. Saktong pagdating ko sa England, nagsimula ang matinding baha at sunod sunod na mga pangyayari at paglantad ng korupsyon sa ating Inang Bayan.
“Hindi ko alam anong sasabihin at gagawin ko. Tulad ng marami, nadurog ang puso ko. Nagalit. Natawa sa ibang memes at post. Nagalit muli sa karagdagang mga balita.
“Ang hirap dahil wala ako sa Pilipinas at malayo ako. Nakikibalita lang sa mga kaibigan habang tinitignan ang laman ng news at social media. Pakiramdam ko, wala akong magawa dahil ang layo ko. Ni hindi ko ma-share agad ang mga pictures namin dito dahil para bang hindi nararapat at napapanahon.
“Gusto kong makiramay at makiisa sa lahat ng mga kababayan ko. Malaki na ang nawala sa atin at tama lang na tayo’y magalit at magluksa.
“Ngayon ay nagtitipon na ang mga tao at unti unti nang naliliwanagan ang taong bayan. Hindi natin dapat iasa sa iisang tao o grupo o politko ang pagbabago kundi TAYO mismo ang magbabago nito. Umaasa ako na mararating natin ito at sana’y matuto na tayo. Sana’y managot ang mga dapat na managot.
Habang nakatingin ako sa ulap, aking ipinagdarasal ang ating mahal na Pilipinas. Nawa’y maghilom ang ating mga sugat at hindi na natin muli pang hayaang manaig ang kadiliman sa ating sarili at sa ating bayan.”
Iza is set to return home and attend the national indignation rally against corruption on September 21. As a true artist and servant leader who is highly qualified to have her own public service platform, her presence will undoubtedly inspire many others advocating for change.