June 24, 2017, 2:50 am
Facebook iconTwitter iconYouTube iconGoogle+ icon

The real Vice

His frankness, his willingness to make fun of himself, his realness – these are just some of the qualities that have endeared Vice Ganda to his public.

Off screen, he is the same witty, fun and fearless Vice viewers see on television everyday. 

Beyond the colorful hairstyles and edgy fashion, Vice Ganda (a.k.a. Jose Marie Borja Viceral) is the same Vice Ganda viewers have come to love – or hate, as the case may be.

At a recent dinner with some showbiz writers, the host-comedian freely talked about his start in showbiz, his humor, what he’s learned in showbiz and whether he plans to enter politics.

Here are excerpts from the interview:

How long have you been in showbiz?

Hindi ko po nabilang kasi ang alam kong bilang ‘yung simula nung “Showtime” kasi ‘yun ‘yung pinakatodo, pero unang unang guesting ko is 1999 sa TV, after kong manalo ng daily round sa “O… Diva” sa “Eat Bulaga,” nag guest ako sa “SOP.” That was 1999. ‘Yun ang unang TV appearance ko. Pero ‘yung mainstream talaga, ‘yung relevant moment talaga, nagsimula nung “Showtime.”

How has your comedy changed?

It was changed tremendously kasi whether you like it or not, everything has been changing. Your audience is changing, their taste is changing, the issues around you are changing, and you have to keep up with the life every now and then, kaya hindi pwdeng hindi ka magbago ng style, magbago ng isyu na tiatalakay, magbago ng topic, magbago ng pinapauso, kaya it was changed tremendously.

How do you define your comedy?

My own comedy, I don’t really define it, kasi I will put myself inside a box if I do. So I’d rather brand it kumbaga kung ano lang ang pwde kong gamiting subject para magpatawa o sa pagpapatawa, kasi ang comedy ko nagsamasama na siya from stand-up naging TV comedian, naging movie comedian, naging comedy concept performer… kaya as much as possible lahat ng “bekiness” tina-try kong tahakin. Tinitignan ko kung kaya ko siyang ihandle.

What are three things you have learned from being in showbiz?

Best na natutunan ko, unang una, you have to be recent. Hindi pwdeng ‘yung material mo, ‘yung ginagawa mo, at ikaw mismo, hindi pwedeng laos! Kasi ‘yun ang magpapalaos sayo. Kailangan ‘yung comedy mo mapansin mo at alam mo na ‘yung comedy mo dati, hindi na ‘yung comedy mo ngayon. Kailangan masabayan mo ‘yung takbo. 

Pangalawa, you just have to be great every single day. Hindi pwdeng isang araw, hindi ka magaling. Oo, ako talaga, kailangan araw-araw magaling ako paglalabas ako sa ‘Showtime.’ Kundi lang rin ako magaling sa araw na ‘yun, hindi na lang ako papasok. Kaya ‘yung mga araw na wala ako, kasi feeling ko hindi ako magaling ngayong araw na ‘to. Kasi mabigat ‘yung kalooban ko, meron akong mabigat na iniisip o pinagdadaanan kaya magpapaalam ako na hindi po ako papasok ngayon. Bukas na lang po, kasi gusto ko pag papasok ako, magaling ako. 

Pangatlo, you just have to be generous kasi everything that you have right now is not really yours, ‘yung iba idinadaan lang … para maibigay dun sa gusto niyang puntahan. You have to be generous with your talent, you have to be generous with yourself, you have to be generous with what you have kung anuman ‘yan, kasi masama talaga ‘yung madamot. ‘Pag madamot ka, mababawi rin talaga sa ‘yo lahat. At saka hindi rin masaya ‘yung maraming maraming meron ka, pero ikaw lang ang nag-e-enjoy nito. Mas masarap kung meron kang kasamang ini-enjoy ‘yung mga blessings mo.

Do you get tired of doing what you do?

Nakakapagod siya ‘pag hindi mo na siya gusto. May mga times na napapagod ako kasi ayoko na siya nung puntong ‘yun.  Kunwari sa oras na ‘to ayoko na munang gawin ‘to, ayoko na munang magtrabaho, kasi sa puntong ‘to ang gusto ko lang puntahan ‘yung nanay ko… kaya pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Kasi hindi ko maalis sa sarili ko na minsan bigla akong bumabalik sa katotohanan na andami kong taong napapasaya, andaming tumatawa …lahat ng mga nakakasalubong ko sinasabihan ako na salamat pinapasaya niyo ko, pero  ‘yung nanay ko, parang napabayaan ko yata. So aalis muna ako. Ayoko muna. Iiwanan ko ‘yan. Tapos pupunta muna ako kasi kailangan alam mo kung ano ‘yung mali sa buhay mo. Hindi pwdeng magaling ka nga, pero at the end of the day, ‘yung real happiness, ‘yung full joy hindi mo ‘yun makukuha dun sa konsepto ng hanggang dito na lang. Feeling ko kasi, ‘yung magaling, mararamdaman mong magaling ako kasi masaya ako, kasi kung hindi ako masaya, ibig sabihin hindi ako magaling ngayong araw na ‘to.

Some say comedians are some of the saddest people. Does that hold true to you?

I don’t think so. Kasi comedians or the funny people are just like anyone else. Kung anong nararamdaman ng komedyante, nararamdaman din ‘yan ng singer. Kung anong pinagdadaanan ng komedyante, pinagdadaanan din naman ng tindero.

Will you ever consider running for office?

I don’t see myself running for a position. I’m not closing my doors though. Kasi, unang una, ine-enjoy ko pa ‘yung pagiging komedyante ko at feeling ko, ang galing kong komedyante. Kaya mas appropriate siguro kung magpapatawa ako sa showbiz kesa magpatawa ako sa senado. Mas na-appreciate ng tao na nagpapatawa ako sa “It’s Showtime” kesa magpatawa ako sa city hall. And since dun naman ako magaling, ‘yun na lang gagawin ko. … I don’t see myself running for a position. For now.
Rating: 
No votes yet

Column of the Day

The hidden danger in Marawi

By JOSE BAYANI BAYLON | June 23,2017
‘What was supposed to be a simple police action has turned out to be the most serious military operation to date in the Duterte administration.’

Opinion of the Day

Metabolism: Why dieting fails

By DAHLI ASPILLERA | June 23, 2017
‘My doctor said that both hands lifting a gallon-size pail up to shoulder height daily can help my body’s fat-burning ability.’